March 16, 2025

Home BALITA National

‘Don’t leave the country!’ FPRRD, pinauuwi na raw si VP Sara sa ‘Pinas

‘Don’t leave the country!’ FPRRD, pinauuwi na raw si VP Sara sa ‘Pinas
Dating Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte (Photo: ICC via Balita-MB/screengrab; Keith Bacongco/MB)

Inihayag ni Vice President Sara Duterte na pinauuwi na siya ng kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte na pinuntahan niya sa The Hague, Netherlands matapos itong arestuhin ng International Criminal Court (ICC) dahil sa umano’y “krimen laban sa sangkatauhan” kaugnay ng war on drugs ng administrasyon nito.

Sa isang panayam nitong Biyernes, Marso 14, sinabi ni VP Sara na nabisita na niya si FPRRD at nasa maayos naman daw itong kalagayan sa hospital wing ng detention center ng ICC.

MAKI-BALITA: VP Sara, nabisita na si FPRRD: 'He is in good spirit, well taken care of'

Ibinahagi rin ng bise ang napag-usapan nila ng kaniyang ama, tulad ng paulit-ulit daw nitong sinasabing umuwi na ng Pilipinas.

National

Ex-Pres. Duterte, wala raw tsinelas no'ng dalhin sa Netherlands—Sen. Bong Go

“When we talked, as a request, he asked me to go home so he repeatedly said, ‘Do not leave the country, do not leave the Philippines,’” aniya. 

“I told him na ‘I know, I understand that. And I do not want to be here as well. Unfortunately, I am the only one (in the family) who has a Schengen visa and I am the only one who is a lawyer,’” dagdag niya.

Sinabi naman daw ni VP Sara kay FPRRD na uuwi na siya ng Pilipinas upang gampanan ang trabaho niya bilang bise presidente ng bansa kapag nakausap na niya ang legal team nito.

“I told that when we are able to meet with the legal team, I will immediately return and, yes, do my work,” ani VP Sara.

“So, I will be here until the legal team is already doing their work and another relative is here to assist him,” saad pa niya.

Si VP Sara ang unang miyembro ng pamilya Duterte na agad na nakalipad papuntang Netherlands matapos arestuhin ang kaniyang ama noong Martes, Marso 11, dahil siya lang daw ang may Schengen visa na valid daw hanggang sa Abril 30, 2025.

Plano naman daw ni Davao City Mayor Sebastian Duterte na mag-apply para sa Schengen visa upang mabisita ang kanilang ama.

Itinakda ng ICC ang confirmation of charges hearing para sa dating pangulo sa Setyembre 23, 2025.

MAKI-BALITA: Confirmation of charges hearing para kay FPRRD, itinakda ng ICC sa Sept. 23, 2025