Inamin ni Kapuso hunk actor Derrick Monasterio na hindi raw niya kayang gawin ang frontal nudity sa mga proyektong tulad ng pelikula o teleserye.
Sa isang episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, napag-usapan ang pagbubuyangyang ni Royce Cabrera ng “talong” sa isa niyang indie film sa Cinemalaya.
Ani Royce, “May nagawa na kasi po akong film before. Kasama ko dito sina Kokoy [De Santos], si Direk Ricky Davao…’yong sa movie sa Cinemalaya. Nagawa namin do’n.”
Gayunman, wala raw pinagsisihan si Royce sa ginawa niyang ito.
Ayon naman kay Derrick, “Feeling ko, ‘di ko kaya. Parang sobrang revealing, e. Parang for me ‘yong mga gano’n bagay para sa mapapangasawa mo lang.”
Samantala, sa isang bahagi ng panayam, inamin ng Kapuso hunk actor na may mga pagkakataon daw na pakiramdam niya ay nao-objectify ang katawan niya.
“Pero iniisip ko na lang na wala namang alam ‘yong mga taong ‘yon sa buhay ko, and ano ‘yong mga napagdaanan ko, and ano ‘yong napag-aralan ko,” saad ni Derrick.
Dagdag pa niya, hindi rin naman daw siya totally naapektuhan.