Tila may makahulugang warning si Optimum Star Claudine Barretto sa mga magtatangkang manakit sa kaniyang mga pamangkin, ayon sa kaniyang Instagram post kamakailan.
Aniya, hindi man daw siya ang ina, para sa kaniya ay "babies" niyang maituturing ang kaniyang mga nieces at nephews.
"I may not be the mom. But I am the auntie. And I will always protect my nieces & nephews be they are also my babies," ani Claudine.
"If you heart them, I will hurt you even worse," aniya pa.
May caption pa itong "come to manila dear."
Tila may makahulugang warning si Optimum Star Claudine Barretto sa mga magtatangkang manakit sa kaniyang mga pamangkin, ayon sa kaniyang Instagram story kamakailan.
Aniya, hindi man daw siya ang ina, para sa kaniya ay "babies" niyang maituturing ang kaniyang mga nieces at nephews.
"I may not be the mom. But I am the auntie. And I will always protect my nieces & nephews be they are also my babies," ani Claudine.
"If you heart them, I will hurt you even worse," aniya pa.
Hindi naman binanggit ni Claudine kung sino ang pinatatamaan niya, o kung sino sa mga pamangkin niya ang sinaktan at kailangan ng resbak mula sa kaniya.
Pero kamakailan lamang, naging usap-usapan ang pagsita ng isang netizen sa pamangkin niyang si Julia Barretto, anak ng ate niyang si Marjorie Barretto, matapos akusahang may kinalaman daw ang una sa pagpapasara ng isang isla sa Camiguin para lamang sa photo at video shoot nito.
Bagay na pinalagan naman ni Julia at nagbanta pang humihingi na ng legal advice tungkol dito.
Bago pa si Claudine, nauna nang rumesbak ang ina para sa kaniyang anak, matapos sitahin ang pag-edit daw ng netizen sa nauna niyang post laban kay Julia.
MAKI-BALITA: Julia Barretto, posibleng kasuhan nagsabing ipinasara isang isla ng Camiguin dahil sa kaniya
"Hello Nikka Kho, why did you edit your original post? We have the original post on file. Did you realize how irresponsible you were? When you put it out there and you are called out, editing only makes you look weak," ani Marjorie.
MAKI-BALITA: Marjorie, rumesbak sa nambintang kay Julia; tinawag na 'irresponsible'