Mukhang matapos ang "Widow's War," busy na ulit ang Kapuso Star na si Bea Alonzo, na isang "collab" sa GMA Public Affairs.
Bukod sa public service, nagpo-produce din ng serye at pelikula ang unit na ito ng Kapuso Network, kaya hindi nakagugulat na may proyekto rin sila para kay Bea.
Ibinahagi ng taga-GMA Network na si Nessa Valdellon ang kuhang larawan ni Bea at iba pa.
Naispatan ding kasama sa larawan ang manager ni Bea na si Shirley Kuan.
"Start of a Bea - Public Affairs Collab," mababasa sa caption ng Facebook post.
Hindi naman nagbigay ng detalye si Nessa kung serye o pelikula ba ang gagawin ng aktres sa GMA Public Affairs.
Marami naman sa fans ni Bea ang excited na sa bagong proyekto niya.