July 16, 2026

Home BALITA National

Dizon sa 2019 SEA Games issue, 'off the hook' na nga ba kay NBI Dir Matibag?

Dizon sa 2019 SEA Games issue, 'off the hook' na nga ba kay NBI Dir Matibag?
File Photo

Nilinaw sa publiko ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag kung magiging “off the hook” na nga ba si Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon sa kanilang fact-finding inquiry kaugnay saa mga anomalya sa 2019 Sea Games. 

Matatandaang nauna nang ihayag sa publiko ni Matibag na magkakaroon daw sila ng fact-finding inquiry sa umano’y aabot sa ₱10 bilyong unliquidated funds at mga anomala sa 2019 SEA Games sa bansa.

Isa sa mga mainit na usapin dito ang pagtatayo ng New Clark City Sports Complex sa Tarlac at ang kontroberal na ₱50 milyong na stadium cauldron, kung saan nakaladkad ang pangalan ni Sen. Alan Peter Cayetano bilang House Speaker pa lang noon at si Dizon bilang CEO at presidente noon ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA).

KAUGNAY NA BALITA: DPWH Sec. Dizon sa 2019 SEA Games issue, naabsuwelto; Sen. Cayetano, hindi—Palasyo

Sa naging pahayag ni Matibag sa panayam sa kaniya ng media nitong Huwebes, Hulyo 16, 2026, sinabi niyang meron na raw sagot sa naging pagkakadawit ng pangalan ni Dizon sa naturang isyu at naabsuwelto na raw ang huli. 

National

Mga nagpapakasal, mas kakaunti na; ‘live-in’ set-up, mas pabor sa mga Pinoy!

“Inabsuwelto siya. So, kung ang isyu ay usaping tungkol sa kaniya doon sa infrastructure, meron nang sagot. Sabi ko nga, may kopya na tayo galing dito sa Ombudsman,” pagsisimula niya. 

Dagdag pa niya, “Ngayon, kung kinakailangang ipatawag si Sec. Vince Dizon, bakit? Dahil magbibigay rin daw siya doon sa ating iniimbestigahan, kahit hindi si Sec. Vince Dizon ang makakapagbigay ng ng liwanag ay ating tatawagin.” 

Paghihimay naman ni Matibag, idiniin niyang nakatuon sa pagtatayo ng Sports Complex at mga dormitoryo ang pangunahinhg pokus ng BCDA na dating pinamumunuan ni Dizon. 

“‘Yong sa BCDA, ito ‘yong costruction no’ng Sport Complex at mga dormitory,” aniya. 

Pagpapatuloy niya, nakatuon naman daw sa mga uniporme, officiating, allowances, pagkain, at travel tickets ang pinagtuunan ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC), na nakarating daw sa kanila na may ilan pang mga travel agency ang hindi umano nababayaran. 

“‘Yong sa PHISGOC, ang tinitingnan natin diyan ay ‘yong mga ginawa: uniporme, ‘yong sa officiating, ‘yong mga allowances sa mga atleta, pagkain ng atleta, ‘yong mga travel tickets. Kasama ‘yan kasi ang sinasabi rito, may mga travel agency na mga hindi pa nabayaran,” saad niya. 

“‘Yong kaldero, hindi ko alam, itatanong natin ‘yan kung kanino ba talaga ‘yan. Kasama ba BCDA o sa PHISGOC ba ‘yan? Kaya po tayo may fact-finding,” pagtatapos pa niya. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Ilalaban ko na ito!' Sen. Alan, haharapin isyu ng 2019 SEA Games laban sa kaniya