July 17, 2026

Home BALITA Probinsya

Misis na magpapagiling ng mani, arestado kasama ang kalaguyo!

Misis na magpapagiling ng mani, arestado kasama ang kalaguyo!
Photo courtesy: Unsplash

Arestado ang isang ginang matapos siyang maaktuhan kasama ang umano’y kalaguyo niyang barangay tanod sa kwarto ng isang hotel sa Daet, Camarines Norte noong hapon ng Miyerkules, Hulyo 15, 2026.

Ayon sa mga ulat, mismong ang mister ng ginang ang nakipag-ugnayan sa mga awtoridad hinggil sa ginagawa umanong kalokohan ng kaniyang misis.

Kasama ang mga pulis, pinasok nila ang kwarto kung saan naispatang magkasama ang ginang at barangay tanod. Agad silang inaresto ng mga awtoridad.

Batay sa salaysay ng mister, tinatayang apat na taon na niyang tinitiktikan ang kaniyang misis dahil nakakahalata na umano siya sa pangangaliwa nito.

Dagdag pa ng mister, siya mismo ang naghatid sa ginang sa bayan ng Daet dahil mamamalengke umano ito at magpapagiling din sana ng mani. 

Probinsya

SAICT Officer na nanuntok ng drayber, sinibak!

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang ginang at barangay tanod na nahaharap sa kasong adultery. Bago dalhin sa kustodiya ng pulisya, dinala muna sila sa ospital kung saan isinailalim sa medical examination at saka dumaan sa kaukulang proseso.