March 16, 2025

Home BALITA

Atty. Claire Castro, wala sa hinagap maging PCO Undersecretary

Atty. Claire Castro, wala sa hinagap maging PCO Undersecretary
Photo Courtesy: Screenshot from KC After Hours (YT)

Nausisa si Atty. Claire Castro kung paano raw siya napapayag na magsilbi bilang Presidential Communications Office Undersecretary sa ilalim ng adminstrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Sa latest episode ng “KC After Hours” ni broadcast-journalist Karmina Constantino nitong Sabado, Marso 15, sinabi ni Castro na hindi raw niya inakalang itatalaga siya ng pangulo sa nasabing posisyon.

Ayon sa kaniya, “Noong una, hindi ko naisip. Wala sa hinagap ko. Ni hindi ko in-expect. Until I was invited nga na makipag-meet sa Pangulo.”

“So, at that time hindi ko talaga alam. Ano? Paano? Bakit? Maski na ako kasi wala naman akong kakilala sa administrasyon. Hindi ako politikong tao,” dugtong pa ni Castro.

National

Ex-Pres. Duterte, wala raw tsinelas no'ng dalhin sa Netherlands—Sen. Bong Go

Pero nang tanungin na raw siya ng pangulo kung maaari ba siya tumulong sa administrasyon nito, naisip daw niya kalaunan na baka dapat na siyang pumasok lalo na’t lumalala raw ang pagkalat ng mga pekeng balita.

“Sabi ko, kung makakatulong naman ito sa bayan, tingin ko e dapat na akong pumasok. So, ‘yon lang. ‘Yon lang ‘yong word na nagpapayag sa akin,” lahad ni Castro.

Dagdag pa niya, “Kasi ‘pag tayo nabuhay talaga sa fake news [….] sabi ko nga, madidiskaril ‘yong pag-iisip natin. Maiiba talaga ‘yong desisyon mo dahil lahat ng magiging desisyon mo e babase do’n sa mga fake news.”

Matatandaang Pebrero 24 nang manumpa si Castro bilang PCO Undersecretary kasama si Jay Ruiz na itinalaga naman bilang Ad Interim Secretary ng PCO.

MAKI-BALITA: Jay Ruiz, nanumpa na bilang PCO chief; nangakong lalabanan ang ‘fake news’