March 16, 2025

Home BALITA National

2 lugar sa bansa, makararanas ng dangerous heat index sa Linggo

2 lugar sa bansa, makararanas ng dangerous heat index sa Linggo
Courtesy: Unsplash

Dalawang lugar sa bansa ang inaasahang makararanas ng “dangerous” heat index bukas ng Linggo, Marso 16, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Base sa tala ng PAGASA dakong 5:00 ng hapon nitong Sabado, Marso 15, posibleng umabot sa 42°C na dangerous heat index ang Virac, Catanduanes at Zamboanga City, Zamboanga del Sur.

Ang heat index, ayon sa PAGASA, ay tumutukoy sa pagsukat kung gaano kainit ang nararamdaman kapag ang “humidity” ay isinasama sa aktwal na temperatura ng hangin.

Maaaring malagay sa “danger” level ang mga heat index mula 42°C hanggang 51°C dahil posible rito ang “heat cramp” at “heat exhaustion.”

National

Ex-Pres. Duterte, wala raw tsinelas no'ng dalhin sa Netherlands—Sen. Bong Go

“Heat stroke is probable with continued activity,” saad pa ng ahensya.

BASAHIN: Explainer: Ano ang ibig sabihin kung mataas ang ‘heat index’ sa isang lugar?