April 25, 2025

Home BALITA Probinsya

Turista sa Boracay, natagpuang naaagnas sa lumang kapilya; posibleng ginahasa?

Turista sa Boracay, natagpuang naaagnas sa lumang kapilya; posibleng ginahasa?
Photo courtesy: Pexels and screengrab from contributed video/Facebook

Isang 23 taong gulang na babaeng Slovak national ang natagpuang naaagnas na sa isang lumang kapilya sa Boracay noong Martes ng hapon, Marso 11, 2025. 

Ayon sa mga ulat, natagpuang wala nang saplot pang ibaba ang biktima nang matagpuan ang kaniyang bangkay. Bukod dito, nagtamo rin daw ito ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan. 

Noong Marso 1, 2025 daw nang dumating mag-isa sa Boracay ang biktima ngunit noong Lunes, Marso 10 nang maiulat na nawawala na ang nasabing Slovak national. 

Ayon pa sa panayam ng media kay P/Lt.Col. Mar Joseph Ravelo, hindi umano saklaw ng tourist attractions ang lugar kung saan natagpuan ang bangkay ng biktima. 

Probinsya

Babaeng sumagip ng naaksidenteng aso, patay sa bundol ng van

“Actually that kind of place is abandonado po and hindi po siya basta pupuntahan ng mga turista. That’s why we’re still conducting continuous follow-up (investigation).

Bukod sa umano’y panggagahasa sa biktima, hinihinalang pinagnakawan din ang biktima matapos mapag-alamang nawawala ang wallet at cellphone niya. 

Patuloy na raw ang back-tracking ng mga awtoridad sa ilang CCTV sa lugar, upang matukoy kung sino ang posibleng huling nakasama ng biktima bago siya mawala.