April 19, 2025

Home BALITA Eleksyon

Imee Marcos, 'di raw dadalo sa Alyansa rally dahil hindi matanggap ginawa kay FPRRD?

Imee Marcos, 'di raw dadalo sa Alyansa rally dahil hindi matanggap ginawa kay FPRRD?
Photo Courtesy: Imee Marcos, Alyansa Para sa Bagong Pilipinas (FB)

Naglabas ng abiso si reelectionist Senador Imee Marcos hinggil sa rally ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas na nakatakda sana niyang daluhan.

Sa latest Facebook post ng senadora nitong Biyernes, Marso 14, humingi siya ng paumanhin sa mga kababayang Waray dahil hindi raw siya makakapunta. 

“Nagpapaumanhin ako sa mga kababayan kong waray na hindi ako makakadalo sa rally mamaya sa Tacloban.HINDI KO MATANGGAP ANG GINAWA KAY FPRRD,” saad ni Marcos.

Dagdag pa ng senadora, “Pinag-aaralan ko ang mga pangyayari upang maliwanagan ang sambayanan, makabuo ng makatotohanang solusyon patungkol sa pagtangay sa dating pangulo.”

Eleksyon

VP Sara, inendorso si Marcoleta; iginiit pagtatanggol sa kaniya noong ‘tinatakot’ OVP

Matatandaang kamakailan lang ay inihayag ng senadora ang pagkaawa niya kay dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong arestuhin ng International Criminal Court (ICC) dahil sa umano’y krimeng nagawa nito laban sa sangkatauhan.