March 15, 2025

Home BALITA National

Giit ni VP Sara: ‘Ang problema ng bayan ay hindi ang mga Duterte!’

Giit ni VP Sara: ‘Ang problema ng bayan ay hindi ang mga Duterte!’
Ex-Pres. Rodrigo Duterte at VP Sara Duterte (Photo: Keith Bacongco at Santi San Juan/MANILA BULLETIN/file photo)

Sa kaniyang pagdating sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands nitong Biyernes, Marso 14, iginiit ni Vice President Sara Duterte na hindi raw ang kaniyang pamilya ang tunay na problema ng Pilipinas.

Base sa panayam ng mga mamamahayag sa harap ng ICC, sinabi ni Duterte na ang kahirapan ang totoo raw na suliranin ng bansa.

"Huwag nating kalimutan na ang problema ng bayan ay hindi ang mga Duterte. Ang totoong problema ng bayan, kayong lahat nandito kayo, nakikipagsapalaran kayo sa ibang bansa dahil walang oportunidad doon sa ating bansa," ani Duterte.

"Patuloy ang kahirapan, patuloy ang kagutuman, patuloy na walang nangyayaring kaunlaran. Nakikita n’yo yung Netherlands, ‘di ba? Gusto nating maging Netherlands ang Pilipinas," saad pa niya.

National

Medialdea, iginiit sa ICC na ‘kidnapping’ nangyaring pag-aresto kay FPRRD

Nagtungo ang bise presidente sa ICC kasama sina Senador Robin Padilla at Atty. Harry Roque para sa kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte na inaresto dahil umano sa “krimen laban sa sangkatauhan” kaugnay ng war on drugs sa ilalim ng administrasyon nito.

MAKI-BALITA: 'Krimen laban sa sangkatauhan' dahilan ng arrest warrant vs FPRRD – PCO

Nakatakda ang "initial appearance" ng dating pangulo sa Pre-Trial Chamber I ng ICC dakong 9:00 ng gabi (Manila Time) nitong Biyernes.