March 15, 2025

Home BALITA National

De Lima, inalala mga biktima ng war on drugs sa unang pagharap ni FPRRD sa ICC

De Lima, inalala mga biktima ng war on drugs sa unang pagharap ni FPRRD sa ICC
photo courtesy: Leila de Lima/X

"We remember these faces, victims of the War on Drugs..."

Muling inalala ni dating Senador Leila de Lima ang mga biktima ng war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ilang oras bago ang pagharap nito sa Pre-Trial Chamber I ng International Criminal Court (ICC).

"As Rodrigo Duterte faces the ICC tonight, we remember these faces, victims of the War on Drugs—Filipinos denied their due process. Their families continue to carry the heavy burden of this injustice every day," saad ni De Lima sa kaniyang social media accounts.

Dagdag pa niya, "Let every flicker of light be a call for accountability, for those who continue to wait for justice to be served. Mananatili kaming kasama ninyo hanggang maghari ang hustisya at pananagutan."

National

Medialdea, iginiit sa ICC na ‘kidnapping’ nangyaring pag-aresto kay FPRRD

Magaganap ang  "initial appearance" ni Duterte mamayang alas-2 ng tanghali CET (alas-9 ng gabi sa Pilipinas).

BASAHIN: Ex-Pres. Duterte, haharap na sa ICC ngayong Marso 14

Matatandaang noong Martes ng umaga, Marso 11, nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) si Duterte mula sa Hong Kong, at saka siya dinala sa Villamor Air Base sa bisa raw ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC).

BASAHIN: FPRRD, sinilbihan na ng warrant of arrest ng ICC — Malacañang 

Noong Miyerkules ng gabi, Marso 12, nang dumating si Duterte sa Rotterdam Airport. Kasunod nito ay dinala na siya sa kustodiya ng ICC.

BASAHIN: Ex-Pres. Duterte, nasa kustodiya na ng ICC

KAUGNAY NA BALITA: Paglilitis kay FPRRD, posibleng abutin ng 8 taon—ICC assistant to counsel