“Hindi kami bibitaw…”
Ito ang mensahe ni Senador Bong Go para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na kasalukuyang humaharap sa kaniyang initial pre-trial hearing sa International Criminal Court (ICC) ngayong Martes ng gabi, Marso 14 (Manila time).
Sa kaniyang Facebook post, hinikayat ni Go ang publikong manood at “bantayan” ang pagharap ni Duterte sa ICC, at nagbigay rin siya ng mensahe sa dating pangulo.
“BANTAYAN NATIN! Ngayong gabi ay haharap na sa ICC si dating Pangulong Rodrigo Duterte,” ani Go sa kaniyang post.
“Hindi kami bibitaw at hindi kami titigil sa pagdadasal, Tatay Digong,” saad pa niya kasama ang hashtag na #BringPRRDHome.
Matatandaang noong Martes, Marso 11, nang arestuhin si Duterte dahil sa bisa ng arrest warrant ng ICC dahil sa umano’y “krimen laban sa sangkatauhan” kaugnay ng drug war.
MAKI-BALITA: 'Krimen laban sa sangkatauhan' dahilan ng arrest warrant vs FPRRD – PCO
Nakatakda naman ang "initial appearance" ng dating pangulo sa Pre-Trial Chamber I ng ICC ngayong Biyernes ng gabi (Manila Time).