May 11, 2025

Home BALITA National

45% ng mga Pinoy, 'di suportado impeachment laban kay VP Sara—Pulse Asia

45% ng mga Pinoy, 'di suportado impeachment laban kay VP Sara<b>—Pulse Asia</b>
Photo courtesy: Pexels and Office of the Vice President/Facebook

Inihayag ng Pulse Asia na tinatayang nasa 45% na mga Pinoy na registered voters ay hindi umano sang-ayon na ma-impeach si Vice President Sara Duterte.

Ayon pa sa isinagawang survey ng Pulse Asia mula Pebrero 20 hanggang 26, 2025, tanging 26% lamang daw ang nagsabing pabor silang umusad ang impeachment ng Pangalawang Pangulo habang 23% naman umano ang nananatiling undecided.

Samantala, pumalo naman sa 46% sa Visayas ang umalma sa nakaambang pag-usad ng impeachment ni VP Sara at 88% naman sa Mindanao ang nagsabi rin ng kanilang pagtutol.

Matatandaang noong Pebrero 5 nang tuluyang i-impeach ng House of Representatives si VP Sara matapos pirmahan ng 215 na miyembro nito ang ikaapat na impeachment complaint.

National

Giit ni VP Sara: ‘Kinidnap ang tatay nating lahat!’

KAUGNAY NA BALITA: House of Representatives, inimpeach na si Vice President Sara Duterte