Umalma na rin si "It's Showtime" host Vhong Navarro sa mga nagbigay ng malisya sa kaniyang binasang opening spiels sa kanilang noontime show, sa live episode nila noong Miyerkules, Marso 12.
Tila minalisya kasi ng mga netizen, lalo na ang mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang nabanggit na spiels na tila malaman at makahulugan daw.
Depensa ni Vhong, binasa lamang daw niya ang spiels at wala siyang masamang intensyon lalo na sa salitang "Dasurv."
"Ako po ay nagtatrabaho lang at binasa ko lang ang spiels ko. Wala po akong masamang intensyon. Love and peace!" aniya.
Bukod sa kaniya, kinuyog din ng Duterte supporters ang co-host niyang si Kim Chiu.
"Hala nakakaloka! Bat ako nasali dyan?!!! Like o to the M to the G!!!! Busy ako sa ibang bagay. Dyosko wag nyoko isali sa ganyan. Parang awa nyo na. Ang gulo na po ng mundonh ibabaw. wag na tayo dumagdag. Dyosko nalanh talaga. ," aniya.
MAKI-BALITA: Kim pinaratangang nagparinig laban kay FPRRD dahil sa salitang 'Dasurv!'
Matatandaang inaresto si dating Pangulong Duterte ng International Criminal Court (ICC) noong Martes, Marso 11, sa bisa ng warrant of arrest, sa pakikipagtulungan naman ng kapulisan. Kinagabihan ay inilipad na agad si Duterte patungong The Hague, The Netherlands para sa kaniyang paglilitis.