March 13, 2025

Home BALITA National

Torre, nag-public apology sa umano'y 'special treatment' kay FPRRD

Torre, nag-public apology sa umano'y 'special treatment' kay FPRRD
Photo courtesy: CIDG/Facebook and file photo

Humingi ng paumanhin si Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director PMGEN Nicolas Torre III hinggil sa umano’y “special treatment” nila sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na isinagawa noong Martes, Marso 11, 2025.

Sa kaniyang pagharap sa media, Huwebes, Marso 13, iginiit niyang aminado raw siyang binigyan umano nila ng special treatment ang dating Pangulo para maiwasan na raw ang gulo. 

“Pasensya na po kayo, talagang napakalaking special treatment ang ibinigay natin sa former president Duterte. Para wala ng gulo at mapagbigyan ang lahat ng kaniyang kahilingan,” saad ni Torre. 

Paliwanag pa niya, ginawa raw niya ang special treatment upang masiguro na maibigay sa International Criminal Court (ICC) ang dating Pangulo. 

National

Singil sa tubig ng Manila Water, tataas sa Abril!

“Kaya pagpasensyahan po ng kababayan nating Pilipino na might be agreed on that special treatment given to him. Pasensya na po kayo at ito ay kailangang gawin para ang ultimate objective ay magawa natin—which is to bring him to the International Criminal Court,” ani Torre. 

Kaugnay nito, taliwas sa “special treatment” mariing kinondena ng ilang kapamilya at kaalyado ng dating Pangulo ang naging pag-aresto sa kaniya matapos umano siyang hindi pahintulutang dalhin sa ospital. 

KAUGNAY NA BALITA: Ex-Pres. Duterte, hindi umano pinahintulutan sa kaniyang medical procedure