March 13, 2025

Home BALITA National

Singil sa tubig ng Manila Water, tataas sa Abril!

Singil sa tubig ng Manila Water, tataas sa Abril!
(Manila Bulletin photo)

Inaasahang tataas nang ₱0.04 per cubic meter ang singil sa tubig ng Manila Water simula sa Abril 1, 2025.

Ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) nitong Huwebes, Marso 13, inaprubahan nito ang rekomendasyon ng kanilang regulatory office na ipatupad ang foreign currency differential adjustment (FCDA) para sa 2nd quarter ng 2025, batay sa rekomendasyon ng Manila Water.

Bunsod daw ang naturang bahagyang pagtataas ng singil sa tubig ng mas mataas na FCDA, na konektado sa foreign-denominated loans ng water concessionaire.

Dahil dito, mula sa kasalukuyang ₱0.61, iimplementa na ng Manila Water ang ₱0.65 per cubic meter FCDA simula sa pagpasok ng Abril.

National

NBI, nagkomento sa umano'y 'pag-aresto kay FL Liza' sa LA

Kaya naman, kung susumahin, tataas ng ₱0.21 kada buwan (₱255.04 mula sa ₱254.83) ang singil sa tubig para sa mga kokonsumo ng 10 cubic meters pababa, habang tataas ng ₱0.45 (₱563.92 mula sa ₱563.47 kada buwan) ang mga kokonsumo ng 20 cubic meters pababa, at ₱0.90 (₱1,149.65 mula sa ₱1,148.75 kada buwan) para sa mga kokonsumo ng 30 cubic meters pababa.

Nagsu-supply ang Manila Water ng tubig sa mga residente sa Makati, Mandaluyong, Pasig, San Juan, Taguig, Marikina, at Pateros, at maging sa Quezon City, at sa Sta. Ana at San Andres sa Maynila.

Bukod dito, nagseserbisyo rin ang Manila Water sa iba’t ibang mga lugar sa Rizal, sa Antipolo, San Mateo, Rodriguez, Cainta, Taytay, Teresa, Angono, Baras, Binangonan, Jalajala, Cardona, Morong, Pililla, at Tanay.