March 13, 2025

Home BALITA National

Palasyo, pinabulaanang nakulong si First Lady Liza Marcos sa Los Angeles

Palasyo, pinabulaanang nakulong si First Lady Liza Marcos sa Los Angeles
Photo courtesy: screenshot from RTVM and Liza Marcos/Facebook

Nilinaw ng Palasyo na wala umanong katotohanang inaresto si First Lady Liza Marcos sa Los Angeles, California, US, sa kasagsagan ng kaniyang pananatili doon mula Marso 5 hanggang 8, 2025 para sa Meeting of the Minds at Manila International Film Festival.

"There is no truth that FL was held by any law enforcers while in LA or and in any other place," ani Presidential Communication Office (PCO) Undersecretary Claire Castro sa ilang reporters nitong Huwebes, Marso 13. 

Matatandaang kumalat sa social media mula sa mga umano’y Facebook page na nagsasabing inaresto umano ang First Lady sa Los Angeles kung kaya’t pinilit lamang umanong ipaaresto si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) upang mapagtakpan ito.

Dagdag pa ni Castro, "FL arrived in Manila at around 5 AM (on Monday) at 5:58 AM, she was already on her way to her place from the airport."

National

AFP, pinabulaanan umano'y 'mass resignation' ng mga sundalo para kay FPRRD