March 13, 2025

Home BALITA National

NBI Director Jaime Santiago, may ikinakasang case build-up laban kay Maharlika, iba pang 'vloggers'

NBI Director Jaime Santiago, may ikinakasang case build-up laban kay Maharlika, iba pang 'vloggers'
Photo courtesy: John Louie Abrina (MB)/Maharlika (FB)

Sinagot ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago ang mga tanong ng media sa kaniya sa isinagawang forum sa Ermita, Maynila, Huwebes, Marso 13, kaugnay sa iba't ibang isyu gaya ng pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, isyung may kinalaman kay Vice President Sara Duterte, dating Bamban City, Tarlac Mayor Alice Guo, at mga tinawag na "vloggers" na umano'y nagkakalat ng fake news.

Anang Santiago, magsasagawa na sila ng case build-up laban sa tinawag na "vloggers," at nabanggit pa ang vlogger na si Claire Contreras o mas kilala sa tawag na "Maharlika."

"Nando'n siya, nakabase siya sa Amerika, but then dito ipinalalabas yung kaniyang mga fake news," anang Santiago sa panayam ng isang media outlet.

Iginiit ng NBI director na dito raw sa Pilipinas liable si Maharlika sa mga reklamong inciting to sedition at cyber libel.

National

Singil sa tubig ng Manila Water, tataas sa Abril!

Mensahe pa ni Santiago sa kaniya, "Tumigil siya. Hindi siya nakakasiguro, akala niya ligtas siya dahil nandoon siya sa Amerika. Galit na hindi lang ang NBI, pati ang taumbayan galit na sa kaniya.

Nagbigay rin siya ng babala sa vloggers na sinasabing nagpapakalat daw ng fake news at mga maling impormasyon na may freedom of speech nga subalit hindi naman ito absolute.

"Sa mga vloggers, naku, huwag ninyong gawing katuwaan, meron namang katuwaan lang eh, huwag n'yong gawing katuwaan 'yang ating social media. Gumaganda na tayo, digital na tayo, eh bababuyin mo ang ating social media ay hindi tama. Sinasabi ko lagi, meron tayong freedom of speech and expression, but that is not absolute," aniya pa.

Sa kaugnay na balita, matatandaang kamakailan lamang ay ipinatawag sa tri-comm hearing sa Kamara ang lagpas 35 vloggers para tanungin hinggil sa umano'y isyu ng fake news subalit tumanggi silang pumunta sa imbitasyon.

MAKI-BALITA: Barbers unbothered sa mga kasong isinampa ng 'vloggers:' 'Bakit kayo masasaktan kung di kayo guilty?'

MAKI-BALITA: Rep. Ace Barbers, sinampahan ng patong-patong na kaso ng 'vloggers'