March 14, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Marjorie, rumesbak sa nambintang kay Julia; tinawag na 'irresponsible'

Marjorie, rumesbak sa nambintang kay Julia; tinawag na 'irresponsible'
Photo courtesy: Marjorie Barretto (IG)

Hindi rin pinalampas ng aktres na si Marjorie Barretto ang netizen na nag-post laban sa anak na si Julia Barretto, kaugnay sa umano'y pagpapasara sa isang isla sa Camiguin para daw sa photo at video shoot nito.

Sa kaniyang Instagram story, ibinahagi ni Marjorie ang opisyal na pahayag ng kaniyang anak na si Julia at kinomentuhan sa pamamagitan ng text caption.

Sinabi rin ni Marjorie na tila inedit daw ng netizen ang nauna niyang post laban kay Julia.

"Hello Nikka Kho, why did you edit your original post? We have the original post on file. Did you realize how irresponsible you were? When you put it out there and you are called out, editing only makes you look weak," ani Marjorie.

Tsika at Intriga

Arnold Clavio, ibinahagi viral na napuna ng isang nurse sa larawan ni FPRRD

Photo courtesy: Screenshot from Marjorie Barretto (IG)/via Fashion Pulis

Samantala, nilinaw naman ni Julia na hindi totoo ang mga paratang sa kaniya ng netizen.

Saad pa sa pahayag ni Julia, kasalukuyan na siyang humihingi ng legal advice kaugnay sa isyu.

MAKI-BALITA: Julia Barretto, posibleng kasuhan nagsabing ipinasara isang isla ng Camiguin dahil sa kaniya

Wala pang anumang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ng netizen tungkol dito.