March 22, 2025

Home BALITA National

FL Liza, binati NBDB sa pagsusulong ng ‘literacy, culture, at love of reading’ sa PBF

FL Liza, binati NBDB sa pagsusulong ng ‘literacy, culture, at love of reading’ sa PBF
(Photo: MJ Salcedo/BALITA; NBDB/FB)

Nagpahayag ng pagbati si First Lady Liza Araneta-Marcos sa National Book Development Board (NBDB) dahil sa matagumpay raw nitong paglulunsad ng Philippine Book Festival 2025 (PBF) na layong magsulong ng “literacy, culture, at love of reading.”

Nitong Huwebes, Marso 13, nang opisyal na binuksan ng NBDB ang PBF sa pamamagitan ng grand opening ceremony na pinamagatang “Fiesta Simula.”

BASAHIN: Philippine Book Festival, sinimulan na!

Sa naturang seremonya ay ipinalabas ang video message ng Unang Ginang para sa NBDB.

National

AFP, nananatiling ‘solid’ sa Konstitusyon sa kabila ng sitwasyon sa politika – DND Sec. Teodoro

“My warmest congratulations to the National Book Development Board for the successful organization of this year's Philippine Book Festival,” ani FL Liza.

“Your hard work and unwavering commitment to promoting literacy, culture, and love of reading continue to inspire and empower our minds whether we be young or old,” dagdag niya.Nagpasalamat din si FL Liza sa NBDB dahil sa paglikha raw ng platapormang nagdiriwang sa mayamang literatura at kultura ng mga Pilipino.

“Thank you for creating a platform that celebrates the richness of Filipino literature and culture. Maraming salamat po sa lahat ang ginagawa ninyo. Sama-sama tayong babangon muli. Para sa bagong Pilipinas,” saad niya.

Inaasahang isasagawa ang four-day book experience ng PBF 2025 mula nitong Huwebes hanggang sa Linggo, Marso 16, sa Megatrade Hall, SM Megamall sa Mandaluyong City.