March 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Bintangero nag-sorry: Sey ni Kim, 'Mahalagang mag-fact check bago manghusga!'

Bintangero nag-sorry: Sey ni Kim, 'Mahalagang mag-fact check bago manghusga!'
Photo courtesy: Screenshot from Kapamilya Online Live (YT)

Humingi na ng paumanhin kay "It's Showtime" host Kim Chiu ang netizen na nagparatang sa kaniyang pinasasaringan niya si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa opening spiels niya sa nabanggit na ABS-CBN noontime show, sa live episode nila noong Miyerkules, Marso 12.

"Kung feeling nila ay hindi pa dumarating ang tamang panahon para sa kanila, ang masasabi namin, 'Dasurv!'" aniya, habang nakaturo sa camera. Maririnig naman ang tawanan mula sa madlang people audience.

"Wait 'di pa 'ko tapos! Dasurv n'yong rumesbak sa buhay!" dagdag pa niya.

Ang hashtag pa ng nabanggit na episode ay #ShowtimeDasurvRumesbak.

Tsika at Intriga

Arnold Clavio, ibinahagi viral na napuna ng isang nurse sa larawan ni FPRRD

Isang netizen naman ang nagsabing tila parinig daw ito ni Kim kay Duterte matapos ang pag-aresto sa kaniya ng International Criminal Court (ICC) noong Martes, Marso 11.

"Kakapanood Kulang ng Showtime Sabi Ni Kim Chiu Deserved daw Makulong si Tatay Digong Isipin mo 30Million sumusoporta kay Tatay Digong Siguro naman iba Jan Fans mo.." mababasa sa pahayag ng netizen.

Bagay na pinalagan naman ni Kim sa kaniyang X posts.

"Hala nakakaloka! Bat ako nasali dyan?!!! Like o to the M to the G!!!! Busy ako sa ibang bagay. Dyosko wag nyoko isali sa ganyan. Parang awa nyo na. Ang gulo na po ng mundonh ibabaw. wag na tayo dumagdag. Dyosko nalanh talaga. ," aniya.

Marami naman sa mga netizen ang pumanig kay Kim, lalo't wala naman daw talagang sinabi patungkol sa dating pangulo ang actress-TV host.

Agad ding nag-sorry kay Kim ang nabanggit na netizen.

"Mahalaga po mag #FactCheck bago manghusga at akusahan ang isang tao. Let’s all be responsible citizens. Magtulungan tayo wag magsiraan. God bless po ang lahat," aniya sa kaniyang X post

Hindi naman nabanggit ni Kim kung may balak siyang magsampa ng reklamo laban sa nabanggit na netizen, kahit na hinihikayat siya ng fans na "magpa-sampol."

MAKI-BALITA: Kim pinaratangang nagparinig laban kay FPRRD dahil sa salitang 'Dasurv!'

Samantala, pumalag na rin ang co-host niyang si Vhong Navarro sa pamba-bash sa kaniya. Giit ng TV host, comedian, at dancer, nagtatrabaho lamang siya at binasa lamang kung ano ang nakalagay sa spiels.

"Ako po ay nagtatrabaho lang at binasa ko lang ang spiels ko. Wala po akong masamang intensyon. Love and peace!" aniya.

MAKI-BALITA: Vhong Navarro pumalag na rin sa inintrigang spiels sa 'It's Showtime'