Pinabulaanan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang umano’y mga kumakalat na posts nagkakaroon na umano ng kabi-kabilang resignation ng mga sundalo upang ipakita ang kanilang pagsuporta kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
KAUGNAY NA BALITA: 'Krimen laban sa sangkatauhan' dahilan ng arrest warrant vs FPRRD – PCO
Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, nananatili umanong "unverified" ang nasabing mass resignation sa kanilang kampo.
"The Armed Forces of the Philippines (AFP) clarifies that reports of AFP personnel resigning in support of former President Duterte remain unverified. We urge everyone to exercise critical discernment and avoid spreading unconfirmed information," saad ni Padilla.
Giit pa ni Padilla, nananatili umanong tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin ang mga tauhan ng AFP.
"Our personnel continue to remain focused on our sworn duty, upholding the rule of law and the chain of command," saad ni Padilla.
Matatandaang may ilang social media post ang nagsasabing may mga tauhan na raw ng AFP, maging ang ilan sa Philippine National Police (PNP) ang nagsisimulang magbitiw sa tungkulin upang suportahan si dating Pangulong Duterte na kasalukuyan nang nasa kustodiya ng International Criminal Court (ICC).
KAUGNAY NA BALITA: Ex-Pres. Duterte, nasa kustodiya na ng ICC