Kinumpirma ni House Secretary General Reginald Velasco na nagsumite ng pormal na liham si Davao City First District Representative Paolo "Pulong" Duterte para sa kaniyang "personal trip" patungong The Netherlands at Japan mula Marso 12 hanggang April 15, 2025.
Batay sa mga ulat, makikita ang pormal na liham ni Rep. Pulong kay House Speaker Martin Romualdez para sa kaniyang travel clearance sa mga nabanggit na petsa at bansa.
Mababasang Marso 11, 2025 nang magpadala ng liham si Pulong sa pamamagitan ng email.
Nakasaad dito na sarili niyang pera ang gagastusin niya sa kaniyang personal trip.

Hindi naman binanggit sa liham ang magiging sadya niya sa dalawang bansa, ngunit ang "Netherlands" ay bansang pagdadalhan sa kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte, matapos iparesto ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng kasong crimes for humanity.
Ayon pa sa ulat, aprubado na umano ito.