March 12, 2025

Home BALITA National

PCO, kinuwestiyon mga umano'y humihimok ng people power dahil kay FPRRD

PCO, kinuwestiyon mga umano'y humihimok ng people power dahil kay FPRRD
Photo courtesy: screenshot from RTVM

“Bakit tayo ngayon umiiyak? Samantalang ipinapatupad lang naman natin kung ano ang nasa batas.”

Kinuwestiyon ni Presidential Communication (PCO) Undersecretary Claire Castro ang umano’y mga paghimok na magkaroon ng people power hinggil sa pagkakaaresto ng International Criminal Court (ICC) kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. 

Sa kaniyang press briefing nitong Miyerkules, Marso 12, 2025, nilinaw ni Castro kung bakit umano nagkaroon ng arrest warrant si FPRRD at inalmahan ang ‘di umano’y panawagang magkaroon ng people power. 

“Hindi po ba ito pagbabagsak ng gobyerno? Unang-una po, may warrant of arrest. Pangalawa, may case na naka-file. Pangatlo, may mga ‘di umanong biktima na magsasalita patungkol sa kaso. Hindi po ito basta gawa-gawa na kuwento. May mga biktima. Hindi ito pagpa-planta ng ebidensya. Hindi galing ang kaso sa Pilipinas. Ito ang kaso—pending sa ICC,” ani Castro. 

National

Korte Suprema walang TRO para kina FRRD, Sen. Bato

Dagdag pa niya, “Ano ang magiging dahilan nila para himukin ang taong bayan na mag-alsa laban sa pamahalaan? Samantalang ang pamahalaan ay gumagawa, tumutupad ng batas. Ang pagtawag ba ng people power ay labag sa batas? Dapat ang mga tao ngayon, ang mga kababayan natin—mag-isip, alamin.”

Matatandaang noong Marso 11 ng gabi nang tuluyan na ring ibiyahe si dating Pangulong Duterte patungong The Hague, Netherlands, upang masimulan ang paglilitis sa kinahaharap  niyang kasong “crime against humanity.”

KAUGNAY NA BALITA: FPRRD, sinilbihan na ng warrant of arrest ng ICC — Malacañang

Paglilinaw pa ni Castro, hindi umano gawa-gawa ng gobyerno ang kasong kinakaharap ni Duterte dahil ito raw mismo ay aminado sa mga ginawa nito.

“Ano ba ang nangyayari? Ang kasong ito sa ICC ay hindi gawa-gawa ng pamahalaan. Gawa ito sa panahon ni dating Pangulong Duterte. Gawa ito ng war on drugs ni dating Pangulong Duterte at aminado siya rito.”

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, kinumpirma na dadalhin si ex-Pres. Duterte sa The Hague

Pinuna rin niya ang mga taong isinisisi raw sa gobyerno ang nangyaring pag-aresto sa dating pangulo.

“Bakit isisisi ang pag-i-issue ng warrant of arrest, ang pagpapadala sa kaniya sa ICC? Kung siya mismo, sinabi ni dating Pangulong Duterte ‘Sue me! I will take all the legal responsibilities on this.’ Bakit tayo ngayon umiiyak? Samantalang ipinapatupad lang naman natin kung ano ang nasa batas,” saad ni Castro.