Usap-usapan ang pagpalag ni "It's Showtime" host Kim Chiu sa akusasyon ng isang netizen sa kaniya, na pinaringgan niya si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa binasang spiels sa noontime show na "It's Showtime."
Sa episode ng noontime show, Miyerkules, Marso 12, masayang binasa ni Kim ang spiels niya.
"Kung feeling nila ay hindi pa dumarating ang tamang panahon para sa kanila, ang masasabi namin, 'Dasurv!'" aniya, habang nakaturo sa camera. Maririnig naman ang tawanan mula sa madlang people audience.
"Wait 'di pa 'ko tapos! Dasurv n'yong rumesbak sa buhay!" dagdag pa niya.
Ang hashtag pa ng nabanggit na episode ay #ShowtimeDasurvRumesbak.
Isang netizen naman ang nagsabing tila parinig daw ito ni Kim kay Duterte matapos ang pag-aresto sa kaniya ng International Criminal Court (ICC) noong Martes, Marso 11.
"Kakapanood Kulang ng Showtime Sabi Ni Kim Chiu Deserved daw Makulong si Tatay Digong Isipin mo 30Million sumusoporta kay Tatay Digong Siguro naman iba Jan Fans mo.." mababasa sa pahayag ng netizen.
Bagay na pinalagan naman ni Kim sa kaniyang X posts.
"Hala nakakaloka! Bat ako nasali dyan?!!! Like o to the M to the G!!!! Busy ako sa ibang bagay. Dyosko wag nyoko isali sa ganyan. Parang awa nyo na. Ang gulo na po ng mundonh ibabaw. wag na tayo dumagdag. Dyosko nalanh talaga. ," aniya.
Marami naman sa mga netizen ang pumanig kay Kim, lalo't wala naman daw talagang sinabi patungkol sa dating pangulo ang actress-TV host.
Agad ding nag-sorry kay Kim ang nabanggit na netizen.
"Mahalaga po mag #FactCheck bago manghusga at akusahan ang isang tao. Let’s all be responsible citizens. Magtulungan tayo wag magsiraan. God bless po ang lahat," aniya.
Hindi naman nabanggit ni Kim kung may balak siyang magsampa ng reklamo laban sa nabanggit na netizen, kahit na hinihikayat siya ng fans na "magpa-sampol."