March 12, 2025

Home BALITA Eleksyon

FPRRD, kandidato pa rin sa pagka-Davao City mayor kahit inaresto ng ICC

FPRRD, kandidato pa rin sa pagka-Davao City mayor kahit inaresto ng ICC
Photo courtesy: via MB/Screenshot from ABS-CBN News (X)

Hindi maaapektuhan ng pagkakaaresto ng International Criminal Court (ICC) ang kandidatura ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang mayor ng Davao City ayon mismo sa Commission on Elections (Comelec).

Sa panayam ng ABS-CBN News kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, sinabi niyang si Duterte ay kandidato pa rin sa pagka-alkalde ng Davao City para sa nalalapit na 2025 midterm elections.

"As far as the Comelec is concerned, siya pa rin hanggang sa kasalukuyan ay kandidato, ang pangalan niya nasa balota, maiboboto ng mga kababayan natin," aniya.

"Tingnan natin kung may magfa-file ng something or whatever, pero again, again, ang atin po kasing batas ay nagsasabing kinakailangan may final judgment of conviction at hindi pa natin masasabi sa kasalukuyan kung 'yong conviction na binabanggit ay conviction dito o conviction kahit sa abroad."

Eleksyon

Ogie Diaz, pinasaringan kandidatong bet tumulong pero walang plano: 'Dapat foundation itinayo!'

"But in a meantime, again, siya ay kandidato, mananatiling kandidato at ang pangalan ay maiboboto at ang pangalan ay nasa mga balota," dagdag pa niya.

Sa kasalukuyan, ang mayor ng Davao City ay kaniyang anak na si Mayor Sebastian "Baste" Duterte.