Inulan ng batikos ang birthday greetings ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para kay CIDG Director PMGEN Nicolas Torre III na nagdiwang ng kaniyang kaarawan noong Martes, Marso 11, 2025.
Sa kanilang opisyal na Facebook page, ibinahagi ng CIDG ang kanilang pagbati kay Torre.
“The men and women of the Criminal Investigation and Detection Group wish you nothing but the best. Your leadership and vision drive us to achieve excellence everyday. Your ability to lead with a genuine heart has created a positive and encouraging environment. May your day be as outstanding as your leadership. Happy, happy birthday Sir. From your CIDG Family," anang CIDG.
Samantala, bumaha naman sa comment section ng naturang post ang tila pambabatikos ng netizens, kasabay nang pag-aresto ni Torre kay dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso 11.
KAUGNAY NA BALITA: FPRRD, sinilbihan na ng warrant of arrest ng ICC — Malacañang
“Happy birthday anak sa debil! Yawaa ka! Last birthday mo na to ha? Yawaa ka!”
“Happy bday sir. Sana lahat nang kamalasan nang mundo mapunta na sa inyo.”
“Last na mo yan sir ha?”
“We are hoping and pray to Almighty God that this would be your last birthday to celebrate..May you have no more birthdays to come…”
“Happy bday. last mo na ‘yan please!”
“Lucifer Torre happy birthday sa ngayon RIP bukas!”
Matatandaang isa si Torre sa mga nanguna na arestuhin si dating Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang umano’y ilang miyembro ng International Criminal Police Organization (Interpol) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kasunod ng pagbaba ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng umano’y crime against humanity ng administrasyong Duterte.
KAUGNAY NA BALITA: 'Krimen laban sa sangkatauhan' dahilan ng arrest warrant vs FPRRD – PCO