March 12, 2025

Home BALITA National

ALAMIN: Ang posibleng detention center ni FPRRD sa ICC

ALAMIN: Ang posibleng detention center ni FPRRD sa ICC
Photo courtesy: ICC/website

Narito ang ilan sa mga pasilidad na posibleng maging detention center ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC), kasunod ng pagkakaaresto niya batay sa inilabas na warrant of arrest ng ICC noong Martes, Marso 11, 2025.

KAUGNAY NA BALITA: FPRRD, sinilbihan na ng warrant of arrest ng ICC — Malacañang

Sa mga larawang nakasaad sa opisyal na website ng ICC, kumpleto umano ang kanilang pasilidad upang masiguro ang kapakanan ng bawat detainees. Ayon sa ulat ng isang lokal na pahayagan, tinatayang nasa 21 indibidwal mula sa iba’t ibang bansa ang naging detainees at iniharap sa ICC, kung saan pito sa kanila ang naiulat na pumanaw na. 

Samantala, sinabi ni assistant to the counsel for the ICC—Atty. Kristina Conti sa panayam ng TeleRadyo sa kaniya, na posible umanong umabot ng tinatayang walong taon ang magiging proseso ng pagdinig ng ICC sa kaso ni dating Pangulong Duterte. 

National

Sen. Bato, binasag na katahimikan: 'Ready to join the old man!'

“Kung trial lang, on the average, mayroon silang 8 years ng pagdinig. Average ‘yan. Nung nag-umpisa sila, maximum umabot ng 10 years,” ani Conti. 

Dagdag pa niya, “Mahaba itong proseso. Para sa ibang nag-aabang, na baka bukas may hearing na, naku hindi.”

Standard Cell

Hindi katulad ng isang ordinaryong kulungan, mas maayos at tila kumpleto umano ang isang detention room sa ICC. Kabilang dito ang isang kama, lababo at CR at isang lamesa.

Library at Spiritual Room

Mayroon din daw nakalaang spiritual room upang mapanatili ang pagpapahalaga sa mga detainees na may matinding pagpapahalaga sa kanilang ispiritwal na paniniwala. Pinahihintulutan din umano ng ICC ang paggamit ng mga detainees ng computer kung saan naka-upload ang kanilang mga case-related material.

Gymnasium at Medical Facilities

Bilang pagpapahalaga umano sa kalusugan ng mga detainees mayroon ding pasilidad na nakalaan katulad ng gymnasium para sa kanilang aktibong lifestyle at medical facilities para sa mabantayan ang anumang health-related issues ng isang detainee. 

Communal Area

Pinahihintulutan ding makapagluto ng sariling pagkain ang mga detainee kung saan maaari silang bumili ng ilang items sa shopping list ng detention Center. 

Matatandaang noong Marso 11 ng gabi nang tuluyan na ring ibiyahe si dating Pangulong Duterte patungong The Hague, Netherlands, upang masimulan ang paglilitis sa kinahaharap  niyang kasong crime against humanity.

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, kinumpirma na dadalhin si ex-Pres. Duterte sa The Hague