March 12, 2025

Home BALITA National

AFP, nakahanda sa posibleng banta sa seguridad ng bansa hinggil sa pag-aresto kay FPRRD

AFP, nakahanda sa posibleng banta sa seguridad ng bansa hinggil sa pag-aresto kay FPRRD
Photo courtesy: Pexels

Inihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nakahanda umano sila sa anumang magiging banta sa seguridad at kaayusan ng bansa kasunod ng naging pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pahayag ni AFP spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla nitong Miyerkules, Marso 12, 2025, iginiit niya na bagama’t nananatili pa umanong tahimik ang sitwasyon, hindi raw nila ipinag-aalis ang posibilidad na magkaroon ng gulo. 

“While the security situation remains stable, the AFP is actively monitoring developments and is prepared to respond appropriately to any threats to peace and order,” ani Padilla. 

Dagdag pa niya, “We assure the public that we maintain a high state of readiness.”

National

Lumang post ni 'Thinking Pinoy' kinalkal ng netizens

Matatandaang nauna na ring isailalim ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng kanilang regional office matapos umano ang kabi-kabilang pagkalat sa social media ng mga nanghihimok umano na magkasa ng malawakang kilos-protesta at people power. 

KAUGNAY NA BALITA: EDSA Shrine, bantay-sarado na ng mga awtoridad

Noong Martes nang arestuhin si dating Pangulong Duterte sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kasunod ng pagbaba ng arrest warrant ng ICC kaugnay ng umano’y crime against humanity ng administrasyong Duterte.

KAUGNAY NA BALITA: 'Krimen laban sa sangkatauhan' dahilan ng arrest warrant vs FPRRD – PCO