March 12, 2025

Home SHOWBIZ

Kris Bernal, bet nang magpakatotoo matapos maging pretentious

Kris Bernal, bet nang magpakatotoo matapos maging pretentious
Photo Courtesy: Kris Bernal (FB)

Tila gusto na lang daw magpakatotoo ngayon ni Kapuso actress Kris Bernal sa ilang taong pagharap niya sa iba’t ibang batikos.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Lunes, Marso 10, hiningan ni Boy si Kris ng mensahe para sa mga basher nito.

Ayon sa kaniya, “Ang masasabi ko na lang parang ako ‘to. Alam mo ‘yon, kung mahal n’yo, salamat. Thank you nandiyan pa rin kayo para sa akin. Pero kung hindi, hindi ko pipiliting magbago.”

“Saka sa showbiz parang naramdaman ko na rin na naging pretentious ako for so many years. Ngayon gusto ko na lang magpakatotoo,” dugtong pa ni Kris.

Relasyon at Hiwalayan

Pag-amin ni Andrea: 'I am dating someone right now!'

Matatandaang ilan sa mga madalas matanggap na komento ng aktres ay ang pagiging payat at retokada umano niya. Bukod pa rito, sinasabihan din daw siyang ginagaya raw niya si Heart Evangelista. 

Hindi rin nakaligtas kamakailan ang ipinapatayo nilang mansyon ng kaniyang mister na mukha raw munisipyo. 

MAKI-BALITA: Mansyon ni Kris Bernal, parang city hall ang peg?