March 12, 2025

Home BALITA National

ICC assistant to counsel, may pahayag tungkol sa dapat gawin sa taong inaresto ng ICC

ICC assistant to counsel, may pahayag tungkol sa dapat gawin sa taong inaresto ng ICC
Photo courtesy: MB File Photo

Ipinaliwanag ni Atty. Kristina Conti, International Criminal Court (ICC) assistant to counsel, ang dapat umanong isagawang hakbang o proseso sa isang indibidwal na inaresto sa bisa ng arrest warrant ng ICC.

Sa ulat ng News5, sinabi ni Atty. Conti, na abogado rin ng drug war victims, na kailangang i-turn over ang nabanggit na indibidwal sa isang law enforcement officer ng isang member state at dalhin agad sa The Hague sa Netherlands.

"When a person is arrested under a warrant of arrest from the ICC, he should be turned over to law enforcement officer of a member state, and is to be flown to The Hague, the Netherlands ASAP," aniya.

Sa panayam sa kaniya ni Cheryl Cosim sa news program sa TV5, sinabi niyang kailangan nang i-turn over si dating Pangulong Duterte sa The Hague sa lalong madaling panahon, kung naisagawa na ang mga nararapat na legal proseso dito sa Pilipinas.

National

Sen. Go sa pag-aresto kay ex-Pres. Duterte: 'Ginawa ni Tatay Digong ang lahat'

KAUGNAY NA BALITA: FPRRD, sinilbihan na ng warrant of arrest ng ICC — Malacañang