March 10, 2025

Home SHOWBIZ

Rey Valera, ibinunyag dahilan bakit umalis bilang punong hurado sa TNT

Rey Valera, ibinunyag dahilan bakit umalis bilang punong hurado sa TNT
Photo Courtesy: Screenshot from Bernadette Sembrano (YT), Pexels

Ikinuwento ni Original Pilipino Music (OPM) icon Rey Valera ang tila nagiging epekto sa kalusugan niya noong nagsisilbi pa siyang Punong Hurado sa “Tawag ng Tanghalan” (TNT) sa “It’s Showtime.”

Sa latest episode ng vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Bernadette Sembrano noong Linggo, Marso 9, sinabi ni Rey na may mga pagkakataon daw na akala niya mamamatay na siya.

Ayon sa kaniya, “Nagkasakit ako. [...] Do’n sa ‘Tawag ng Tanghalan’ kasi ako ang taga-gong do’n. Tuwing naggo-gong ako do’n naoospital ako. E, ‘yong sikmura mo kapag nae-stress ka, siyempre trabaho ko ‘yong mag-gong do’n.” 

“Pero ayaw ko ‘yon. Akala mo ba ‘yong ginong mong ‘yon, akala mo lalabas pa ‘yon sa baryo nila? Hindi na. Mawawalan ng trabaho ‘yon,” dugtong pa ni Rey.

Pelikula

Morissette Amon, ganap na aktres na matapos mag-Best Actress sa MIFF 2025

May isa raw contestant noon sa TNT na isang music teacher. At nang “sumabit-sabit” ang boses sa pagkanta ay ginong ni Rey.

“Siyempre, obligado ka ngayong i-gong. Sabi niya sa akin, may magpapaturo pa ba do’n? E ‘di tinanggalan mo ng trabaho,” aniya.

Dagdag pa ni Rey, “Nasa isip ko lahat ‘yon. Hindi ako nakakatulog noon. Naoperahan ako dalawang beses, sa sikmura.”

Kaya naman umexit na raw siya sa nasabing singing contest. Pero sa kasalukuyan, bahagi si Rey ng videoke singing reality game show ng TV5 na “Sing Galing” na mas trip daw niya dahil parang nakikigulo lang daw siya.

“Mas gusto ko ‘yon, relaks lang. Katuwaan lang. Kung makakapagbigay ka ng advice, better,” sabi pa niya.