March 10, 2025

Home BALITA National

PCO usec. sa sinabi ni VP Sara na nabudol siya noong 2022: ‘Is it not the other way around?’

PCO usec. sa sinabi ni VP Sara na nabudol siya noong 2022: ‘Is it not the other way around?’
(RTVM/YT; file photo; SMNI/YT)

“Hindi din siguro inisip ng UniTeam noon na siya ay may mga kakilalang assassin…”

Bumuwelta si President Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro sa sinabi ni Vice President Sara Duterte na “nabudol” siya ng nakasama niyang kumandidato noong 2022 national elections.

Matatandaang sa ginanap na “Pasasalamat kay PRRD” event na ginanap sa Wan Cai, Hong Kong nitong Linggo, Marso 9, humingi ng pasensya si Duterte sa kaniyang mga tagasuporta dahil nabudol daw sila noong nakaraang eleksyon.

“Akala ko kasi, gusto niya ng mas magandang bayan, mas maayos na Pilipinas, kung ano yung pinagdaanan natin noon. Kasi, ang plataporma namin noong tumakbo kami, unity at continuity. Nabudol ako,” ani Duterte.

National

VP Sara, hinikayat mga botanteng huwag magbenta ng boto: 'Nakatago siya sa ayuda'

MAKI-BALITA: VP Sara, humingi ng pasensya sa nangyari noong 2022 elections: ‘Nabudol ako’

Samantala, iginiit ni Castro sa isang press briefing nitong Lunes, Marso 10, na maaaring si Duterte umano ang totoong nambudol sa mga kasama nito sa UniTeam.

“Kung na-scam po siya ng UniTeam, is it not the other way around?” giit ni Castro.

“Hindi naman po siguro inakala din ng mga miyembro ng UniTeam na mabilis magagastos ni VP Sara yung P125 million na confidential funds in just 11 days. Hindi naman po siguro inisip nila yan at nagbigay ng tiwala sa kanya.

“Hindi rin po din siguro inisip ng UniTeam noon na siya may mga kakilalang assassin,” saad pa niya, na tila pinatutungkulan ang nakaraang pahayag ng bise na may nautusan na umano siyang indibidwal na kung napatay siya, papatayin naman umano nito ang pangulo at maging sina First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez.

MAKI-BALITA: VP Sara, may binilinan na raw: ‘Kapag pinatay ako, patayin mo si PBBM, FL Liza, Romualdez!

Bukod dito, binanggit din ng undersecretary ng PCO ang binanggit ni Duterte na plataporma nila noong 2022 na “continuation,” at sinabing hindi umano papayag si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ituloy ang tinawag niyang “bloody tokhang” at “extrajudicial killings (EJK).

“Maaaring isa po yun sa mga dahilan kung bakit inayawan din ni VP Sara. Dahil hindi po lahat ng ginawa ng dating administration ay susundin nang pikitmata ng Pangulo,” saad pa ni Castro.

Matatandaang naging mag-running mate sina Marcos at Duterte noong 2022 elections sa ilalim ng “UniTeam.”