March 10, 2025

Home BALITA National

PCO usec. sa sinabi ni VP Sara na iniwan na ng gov’t ang OVP: ‘Baka siya ang nang-iwan!’

PCO usec. sa sinabi ni VP Sara na iniwan na ng gov’t ang OVP: ‘Baka siya ang nang-iwan!’
MULA SA KALIWA: PCO Undersecretary Claire Castro sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte (Photo courtesy: RTVM;SMNI/YouTube screengrab)

Nagbigay ng reaksyon si President Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na iniwan na umano ng gobyerno ang Office of the Vice President (OVP).

Matatandaang sa ginanap na “Pasasalamat kay PRRD” event na ginanap sa Wan Cai, Hong Kong nitong Linggo, Marso 9, nagpasalamat si Duterte sa suporta ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa naturang bansa, at saka niya sinabing, “Ang buong gobyerno po ay iniwanan na po ang OVP.”

MAKI-BALITA: OVP, iniwanan na ng pamahalaan – VP Sara

Sa isinagawa namang press briefing nitong Lunes, Marso 10, hiningian si Castro ng reaksyon sa nasabing pahayag ng bise presidente. 

National

Hindi nag-sorry? Mag-inang nakaranas ng 'laglag-bala,' parang tinratong basura

Anang PCO usec., nais lamang umano nilang gawing “maging kaawa-awa ang OVP [at] maging kaawa-awa ang Vice President.”

“Kung tutuusin po natin, siya po naman ay binigyan ng pagkakataon para ipagtanggol, idepensa ang kaniyang proposed budget,” giit ni Castro.

“Hindi naman hinahadlangan na magbigay ng tamang budget sa OVP, kung ito naman ay ipapaliwanag niya. Kumbaga sa thesis, kung ikaw ang nag-submit ng thesis, kailangan mo idepensa. Hindi pwedeng sabihin mo sa iyong panel of judges, kayo na pong bahala magbigay sa akin ng grade. Basta yan ang thesis ko.”

Saad pa ni Castro hinggil kay Duterte: “Wala pong nang-iwan sa kaniya, baka siya po siya ang nang-iwan sa gobyerno.”

Matatandaang noong Enero nang Inanunsyo ng Office of the Vice President (OVP) na walang pondo ang kanilang medical and burial assistance program sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act (GAA).

MAKI-BALITA: OVP, walang pondo sa kanilang medical and burial assistance program

Samantala, noong Disyembre 30, 2024 nang lagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang ₱6.352-trillion national budget para sa 2025, kung saan pinanatili ang budget ng OVP sa ₱733-million, mahigit isang bilyong mas mababa kumpara sa orihinal na panukalang budget na ₱2.037 bilyon.

MAKI-BALITA: PBBM, nilagdaan na ₱6.352-trillion national budget sa 2025