March 10, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Pasuweldo ni Whamos sa pinapahanap na videographer, editor umani ng reaksiyon

Pasuweldo ni Whamos sa pinapahanap na videographer, editor umani ng reaksiyon

Usap-usapan ang Facebook post ng social media personality na si Whamos Cruz hinggil sa anunsyo niya ng paghahanap ng videographer at editor, noong Marso 6.

Mababasa sa kaniyang post na naghahanap siya ng videographer at editor na may range na sahod na ₱20,000 to ₱30,000.

Bukod dito, sana raw may pasaporte na para makasama sa ibang bansa. Sagot na rin daw niya ang tulugan at pagkain.

"LOOKING VIDEOGRAPHER EDITOR STAY IN NEED KO20K to 30KSAHOD YUNG MAY PASSPORT NADIN PARA MAKA SAMA SA MGA TRAVEL SA IBANG BANSASAGOT KO TULUGAN AT PAGKAINYUNG PANG LONGTERM AT MAGALING MAKISAMA," aniya.

Tsika at Intriga

Whamos pumalag sa okray na 'barat' pasuweldo sa pinapahanap na videographer, editor

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Barat amp, video tapos editor tapos stay-in tapos lagi kapa makikita HAHAHA"

"kung bihasa lang akong mag edit Ng video Ako ba sana boss,kasi ung part palang Ng travel sa ibang Bansa at exposures mo sa mga ibang content creators malaking bagay nayun and expirience.. 30k a month tapos pag free time ko magshoot ako as freelance atleast my sure 20-30k income na monthly my shoot man o Wala sa labas, sayang sana magaling or binasa nalang Ako mg edit Ng video,para Ako na to"

"Ako na lang po. Passport lang at Pang LONG TERM meron ako eh. The rest wala HAHAHAHAHAHAHA."

"Gusto ko Sana mag-apply Keso may trabaho na kahit di kalakihan sahod ayos na po! Pero pang sahod ninyo at travel laking tulong Dami pwede mag-apply sa Inyo. Good luck po."

"Ang baba ng rate mo. Masyado ka naman barat nyan. Laki laki ng earnings per videos mo. Dapat nga percentage ng video bayaran jan. Kala mo di ka bumibili ng basic needs. Kamamahal ng bilihin. Walang mararating yang 20k-30k mo. Mas ok pa na gumawa nalang ng page yung iha-hire then dun nya i-upload ang videos nya. Yung panginhibang bansa, goods sana kung weekly, kaso bihira ka naman mangibang bansa. Tas sa neighboring countries pa. Wag ganun. Itaas mo ang dignidad ng videographers. Ibigay ang nararapat na pasahod."

"30k sa photographer/videographer 1 day lang yan lalo pag kasal hindi pa masyado maganda pagka edit "

"Autopass puro poverty porn lang nmn content nito. Tapos kung makapag down sa editor ang baba. FYI. Whamoscruz yan pasahod mo isang video lang yan if sa ibang bansa o mayayaman n client dito sa pinas. Pgkakuripot mo gusto mo IKAW LANG YUMAMAN."

Sa kabilang banda, may ilang netizen din naman ang nagtanggol kay Whamos.

"Dami n'yong hanash kung ayaw n'yo huwag kayo mag-aplay..."

"Bakit nagagalit kayo kay whamos hehe, knowing him, very generous naman siya, so baka starting salary lang yan. Malay n'yo itaas pa niya kapag nakita niya maganda magtrabaho."

"Isa akong editor at marunong din mag-shoot. Wala namang mali sa post—honest naman ang offer. To be fair, hindi lang siya yung typical na monthly sahod sa creative field. Pero kung hindi para sa'yo, just ignore it. Masyado lang maraming entitled na tao sa comments. Simple lang ang buhay—kung ayaw mo, edi wag. Actually, pang-binata 'to na side—trip-travel, sama sa favorite mong vlogger, ganyan. Kung kaya mong makahanap ng work na mas mataas ang offer, go lang. Wag na natin gawing komplikado ang buhay. "