Humingi ng dispensa sa publiko ang vlogger na agaw-eksena sa kalagitnaan ng highway sa bayan ng Consolacion sa Northern Cebu, matapos siyang sitahin ng mg awtoridad dahil sa paggapang niya habang nakasuot ng "snail man" costume.
“Hihingi ako ng patawad sa aking malaking kasalanan na aking ginawa. Hindi iyon magandang gawin at nakadulot ako ng gulo at trapik sa Consolacion,” saad ng vlogger na si Brian Emnace, o Boss LB, sa pamamagitan ng isang video statement na mapapanood at naka-upload sa kaniyang Facebook page.
Makikita rin ang kaniyang pakikipag-usap sa police station para humingi ng tawad dahil sa nangyari
Sa ulat naman ng ABS-CBN News, tinanggap naman daw ng hepe ng Highway Patrol Group 7 na si Police LtCol. Wilbert Parilla ang paghingi ng dispensa ni Emnace, subalit tinitingnan pa raw nila kung may isasampa silang reklamo laban sa kaniya, matapos ang paglabag sa batas-trapiko.
Samantala, makikita naman sa kaniyang Facebook page ang video ng kaniyang pag-aktong snail man habang makikitang nakatigil na ang mga sasakyan sa kaniyang likuran.
Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.
"Call me KJ, but I don't see the humor in such stupidity. It's unfortunate that people will do anything for fame, no matter how degrading or absurd. How far you people will go to get attention? Coz' it's not worth losing your self-respect."
"People will do everything for views and likes jd. What a shame."
"WHAT A SHAME!"
"Akala niya nakakatuwa siya... my gad, so low-level!"