March 10, 2025

Home BALITA Probinsya

Division ng Zamboanga del Sur, ipinagbawal pagba-vlog ng teachers sa oras ng klase

Division ng Zamboanga del Sur, ipinagbawal pagba-vlog ng teachers sa oras ng klase
Photo courtesy: Pexels

Pormal nang ipinagbabawal ng School Division ng Zamboanga del Sur ang pagbi-video at pagba-vlog umano ng mga guro sa oras ng klase. 

Batay sa inilabas na Division Memorandum ng Zamboanga del Sur kamakailan, isinaad nitong ang pagbi-video umano ng mga guro sa oras ng klase ay maaaring lamang daw maging panggulo sa mga guro at estudyante. 

"The practice of creating and sharing videos during instructional time can cause unnecessary distractions and negatively impact the focus of both teachers and learners. Additionally, the inclusion of learners in such recordings raises concerns regarding privacy, data protection and their overall well-being. 

Saad ng nasabing memo, konektado raw ito sa ilang DepEd Orders at advisories katulad ng Child Protection Policy, Prohibition on the Use of the Mobile Phones and Pagers During Class Hours at Policy Guidelines on the Rationalization of Teachers' Workload in Public Schools and Payment of Teaching Overload. 

Probinsya

'Gapang pa more!' Vlogger na nag-feeling 'snail man' sa kalsada, nag-sorry

Samantala, ilang netizens naman ang nagpahayag ng suporta hinggil sa nasabing DepEd memo ng Zamboanga del Sur at iginiit na ipatupad din umano ito sa lahat ng paaralan sa bansa. 

“Nice job Deped Zamboanga! Sana sa lahat din ng schools sa bansa.”

“Tama lang kasi kung bawal gumamit students ng phones sa school, dapat pati teachers din habang may klase.”

“Agree! May iba nga tinitiktok pa yung galit nila sa mga estudyante.”

“Sana gawin ding nationwide!”

“Dapat lang para may boundaries din mga estudyante at teachers.”“Tama lang ‘yan kasi ginagawa na nilang for public mga bata.”