Hindi mararanasan ang “dangerous” heat index sa alinmang bahagi ng bansa bukas ng Martes, Marso 11, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa tala ng PAGASA dakong 5:00 ng hapon nitong Lunes, Enero 10, 41°C ang pinakamataas na heat index na inaasahang mararanasan sa Martes, kung saan naitala ito sa Masbate City, Masbate; Catarman, Northern Samar, at Zamboanga City, Zamboanga del Sur.
Nakasailalim ang 41°C sa Extreme Caution level, dahil posible raw dito ang “heat cramps” at “heat exhaustion.”
Samantala, maaaring malagay sa “danger” level ang mga heat index mula 42°C hanggang 51°C.
BASAHIN: Explainer: Ano ang ibig sabihin kung mataas ang ‘heat index’ sa isang lugar?