March 10, 2025

Home SHOWBIZ Events

Ashley pakabait daw sa PBB house: 'Mahirap na nakabantay mama ng jowa mo!'

Ashley pakabait daw sa PBB house: 'Mahirap na nakabantay mama ng jowa mo!'
Photo courtesy: Pinoy Big Brother ABS-CBN (FB)/Mavy Legaspi (IG)

Isa na nga sa mga ipinakilalang Kapuso artist na pumasok bilang housemate sa "Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition" ay ang aktres na si Ashley Ortega, nitong Linggo, Marso 9.

Si Ashley ay ilang beses na ring napasama sa iba't ibang teleserye sa GMA Network, at marami rin ang pumapalakpak sa angking-husay niya sa pag-arte.

Recently lang, nabunyag na magkarelasyon pala sila ng Kapuso actor-TV host na si Mavy Legaspi, na accidentally ay isa sa mga Kapuso host ng PBB.

Kaya naman, payo ng mga netizen kay Ashley habang nasa loob ng Bahay ni Kuya, "magpakabait" daw siya at galingan dahil baka mapanood daw siya ng "mama ng jowa niya."

Events

Kahit hindi housemate: JM De Guzman trending dahil sa PBB

Ang tinutukoy na "mama ng jowa niya" ay walang iba kundi ang aktres at TV host ding si Carmina Villarroel.

"magpakabait ka te sa loob ha, mahirap na naka bantay mama ng jowa mo baka ma mother knows best ka!!" sey ng isang netizen na nagngangalang "Beatrice."

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"totoo HAHAHAHAHAHAHHAA"

"alam mo na wag ka dun lalapit sa boys Nako 24 7 nanood SI mother"

"yan din naisip ko hahaha"

"Best comment so far! HAHAHAAA."

Narito pa ang iba pang komento ng netizens:

"Mag ingat ka sa loob Ng bahay ni kuya babantayan ka ni mother knows best"

"Dapat pinasok din si kyline alcantara."

"Behave lang magagalit si mudra nyan hahahahahha"

"Ingat sa loob ng bahay te, napapanood ka ng mama ng jowa mo"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Carmina tungkol dito.

KAUGNAY NA BALITA: KILALANIN: Kapuso at Kapamilya housemates sa Bahay ni Kuya

KAUGNAY NA BALITA: Ashley, natanong kung nag-usap sila ni Kyline tungkol kay Mavy

KAUGNAY NA BALITA: Mavy Legaspi, 'thoughtful' at 'generous' na manliligaw sey ni Ashley Ortega