Kinubra na ng isang Cebuano ang napanalunan niyang ₱109 milyong premyo sa Super Lotto 6/49 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), na binola noong Pebrero 23, 2025.
Napanalunan ng isang lalaki sa Cebu City ang premyong ₱109,545,674.80 nang mahulaan niya ang winning numbers na 40-34-32-26-21-12.
Ayon sa PCSO kamakailan, nabili ng lucky winner, na 41 taon nang tumataya sa lotto, ang winning ticket sa isang lotto outlet sa Cebu City noong Pebrero 22.
Dalawang araw pa ang lumipas matapos bolahin ang lotto game bago malaman ng lucky winner na nanalo siya.
Plano raw ng lalaki na i-expand ang kanilang contracting business gamit ang napanalunan.