March 10, 2025

Home BALITA National

'Pinas, hindi makararanas ng 'dangerous' heat index sa Lunes - PAGASA

'Pinas, hindi makararanas ng 'dangerous' heat index sa Lunes - PAGASA
Courtesy: Unsplash

Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na wala silang naitalang lugar sa bansa na inaasahang makararanas ng “dangerous” heat index bukas ng Lunes, Marso 10.

Base sa tala ng PAGASA nitong Linggo, Marso 9, ang pinakamataas na heat index para sa Linggo ay 41°C na inaasahang mararanasan sa San Jose, Occidental Mindoro at Cuyo, Palawan.

Nakasailalim ang 41°C sa Extreme Caution level, kung saan posible raw dito ang “heat cramps” at “heat exhaustion.” 

Samantala, maaaring malagay sa “danger” level ang mga heat index mula 42°C hanggang 51°C.

National

FPRRD, iginiit na ipinatupad drug war para sa mga Pinoy: ‘Sino ba namang gustong pumatay?’

BASAHIN: Explainer: Ano ang ibig sabihin kung mataas ang ‘heat index’ sa isang lugar?