Ipinapasok na sa "Pinoy Big Brother" house sa Quezon City ang Sparkle at Star Magic artists na magiging housemates sa makasaysayang "Pinoy Big Brother Celebrity Edition Collab" ng GMA Network at ABS-CBN Studios.
Makikita sa ulat ni GMA showbiz news reporter Nelson Canlas sa opisyal na Facebook page ng GMA News ang video clip ng isa-isang pagpasok sa celebrity housemates habang naka-cloaked in mystery at naka-blindfold pa.
Hindi naman natukoy kung sino-sinong Sparkle at Star Magic artists ang mga nabanggit.
Ngayong Linggo, Marso 9, magsisimula na ang muling pagbubukas ng Bahay ni Kuya, at ipakikilala na rin ang Kapuso at Kapamilya artists na magsasama-sama sa loob ng Bahay ni Kuya, sa loob ng 100 araw.