March 10, 2025

Home BALITA Probinsya

Panibagong aso, biktima ng pamamana gamit pa rin ang Indian arrow

Panibagong aso, biktima ng pamamana gamit pa rin ang Indian arrow
Photo courtesy: Kate Vine

Isang aso ang muling naiulat na nabiktima ng animal cruelty matapos umanong panain ng isang Indian arrow.

Ayon sa ulat ng ilang local media outlets, nagmula sa netizen na si Kate Vine ang ulat hinggil sa isang asong kailangan umanong mai-rescue. 

Sa pamamagitan ng Facebook post nitong Linggo, Marso 9, 2025, nanawagan si Kate hinggil sa sitwasyon ng asong biktima ng umano'y pamamana. 

"Baka po may pwede magrescue sa aso na ito? Pinana po siya  at tagos po yung bakal na 'yan  sa balat niya. Kawawa naman po. Sa parking space po ito ng Ace Medical Center," saad ni Kate. 

Probinsya

3-anyos na babae, natagpuang patay sa pugon; suspek, kapatid ng biktima

Napag-alamang sa nasabing ospital sa Puerto Princesa, Palawan nakuhanan ang larawan ng aso. 

Kasunod nito, ipinagbigay-alam naman ni Kate na mayroon na raw gustong umampon sa aso na siyang matatagpuan sa parking area ng naturang ospital. 

"Update, mayroon na po willing kumuha kay doggy, ang kaso lang po bukas morning pa po makukuha. If mayroon po willing ngayon po pwede naman po. Location po ng dog is Ace Medical Center Palawan po, sa parking space po 'yan, actually marami po aso diyan 'yang doggy na black lang po talaga ang may tama ng pana," saad ni Kate.

Matatandaang noong Pebrero nang gumawa ng ingay sa social media ang dalawang aso mula sa Negro Occidental na pinana rin ng Indian arrows. 

KAUGNAY NA BALITA: ₱65K pabuya, para sa makakapagturo sa suspek na pumana ng 5 beses sa isang aso

KAUGNAY NA BALITA: Isa pang aso sa Negros Occidental, pinana rin!