March 10, 2025

Home BALITA National

Pagpunta ni FPRRD sa Hong Kong, para sa mga OFW!—Sen. Go

Pagpunta ni FPRRD sa Hong Kong, para sa mga OFW!<b>—Sen. Go</b>
Photo courtesy: Bong Go/Facebook

Nilinaw ni Sen. Bong Go na pawang pagbisita lamang umano sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) ang pakay ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpunta nila sa Hong Kong.

Sa pamamagitan ng kaniyang social media accounts, iginiit ng senador nitong Linggo, Marso 9, 2025, na nais lamang umanong personal na kumustahin ni FPRRD ang ilang OFWs na aniya'y "mga makabagong bayani."

"Kumusta po kayo? Sina Senator Bong Go at Tatay Digong, mahal na mahal tayong lahat na mga Pilipino!" saad ng official social media accounts ng senador. 

Dagdag pa nito, "Nasa Hong Kong sila upang personal na kamustahin ang kalagayan at ipaabot ang kanilang pagsuporta sa kapakanan ng mga makabagong bayani ng ating bansa—ang ating mga overseas Filipinos!"

National

4.8-magnitude na lindol, tumama sa Davao Oriental

Matatandaang gumawa ng ingay sa social media ang umano'y pagpunta raw nina FPRRD sa Hong Kong upang magtago sa di umano'y inilabas ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) hinggil sa dati niyang kampanya kontra droga.

KAUGNAY NA BALITA: FPRRD, VP Sara, nagpunta raw sa Hong Kong para sa PDP sortie