April 11, 2025

Home BALITA Eleksyon

Ogie Diaz, pinasaringan kandidatong bet tumulong pero walang plano: 'Dapat foundation itinayo!'

Ogie Diaz, pinasaringan kandidatong bet tumulong pero walang plano: 'Dapat foundation itinayo!'
Photo Courtesy: Ogie Diaz (FB)

Pinahagingan ni showbiz insider Ogie Diaz ang mga kumakandidato sa eleksyon na walang plano at puro na lang pagtulong ang bukambibig.

Sa latest episode ng “Ogie Diaz Showbiz Updates” noong Sabado, Marso 8, sinabi ni Ogie na kung gustong maging senador ay dapat may nakaprogramang batas na gustong gawin para sa mga Pilipino.

“Doon ako nagpaparinig sa mga walang plano. Tumatakbo pero walang plataporma. Puro na lang pagtulong, ganyan. ‘Gusto ko lang makatulong, gusto kong buong Pilipinas matulungan,’” saad ni Ogie.

Dagdag pa niya, “Kapag gustong tumulong lang sa kapuwa at secondary lang ang paggawa ng batas, e, foundation ang dapat itayo. Wala namang pipigil sa inyo.”

Eleksyon

Taytay re-electionist Vice Mayor Pia Cabral, nilinaw na walang sinaktan o minaliit na hayop

Pero paglilinaw ng showbiz insider, wala naman daw siyang pinatutungkulan sa kaniyang sinabi dahil para daw ito sa lahat.

Matatandaang minsan na ring nagbigay ng mensahe si Ogie sa mga tumatakbo ngayong 2025 National and Local Elections (NLE).

MAKI-BALITA: Paalala ni Ogie Diaz sa mga kumakandidato: 'Kailangan din ng utak!'