March 10, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Miguel Tanfelix, ibinuking ng ina; iniyakan si Barbie Forteza

Miguel Tanfelix, ibinuking ng ina; iniyakan si Barbie Forteza
Photo Courtesy: Screenshot from Toni Talks (YT), Barbie Forteza (FB)

Ibinahagi ni Grace Tanfelix ang naging reaksiyon ng anak niyang si “Batang Riles” star Miguel Tanfelix matapos ang breakup nito sa unang jowa.

Sa latest episode ng “Toni Talks” nitong Linggo, Marso 9, sinabi ni Grace na umiiyak daw si Miguel noong ibalita nitong hiwalay na sila ni Barbie Forteza.

Aniya, “Batang-bata pa talaga siya no’n. 15? 16? Naalala ko, nagkasalubong kami sa hagdan. Sabi niya, ‘Mommy, nag-break na kami.’”

“Umiyak siya?” paniniyak ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga.

Relasyon at Hiwalayan

'Hinding-hindi kita papabayaan!' Chito at Neri, emosyunal sa renewal of vows

“Oo, sila ni Barbie no’n,” sagot ni Grace. “Natatawa ako. Ikinuwento ko nga agad sa mother ko, sa biyenan ko.”

Ayon pa kay Grace, hindi na raw niya pinayuhan pa si Miguel noon dahil parang hindi naman daw seryosohan ang naging relasyon nito kay Barbie.

“Parang wala lang. Pagkatapos niyang umiyak no’n, naglalaro na ulit,” dugtong pa niya.

Bukod kay Barbie, nakarelasyon din ni Miguel ang mga artistang sina Kyline Alcantara at Bianca Umali. Ngunit si Ysabel Ortega ang babae sa buhay niya ngayon.