Laugh trip ang mga ganap sa musical noontime show na "ASAP" matapos salubungin ng kapwa OPM singers at icons si Asia's Nightingale Lani Misalucha, na nakasama nila sa segment na "The Greatest Showdown."
Sa napanood na episode nitong Linggo, Marso 9, sinamahan si Lani nina Gary Valenciano, Martin Nievera, Ogie Alcasid, Erik Santos, Angeline Quinto, Yeng Constantino, Zsa Zsa Padilla, at Regine Velasquez-Alcasid sa pag-awit ng kaniyang hit songs.
Matapos ang kantahan ay kinumusta ng hosts si Lani at sa pa-throwback niya sa ASAP na minsan na rin siyang naging bahagi.
"Speaking of recollection, ang dami mong core memories dito sa ASAP," sey ni Zsa Zsa.
"Korek! 'Pag nakita n'yo 'yong mga YouTube [videos] ko 'don, sa ASAP, oo, hindi pa gawa ilong ko 'don..." natatawang sabi ni Lani na ikinatawa na rin ng hosts.
"No, but if you gonna look at it, iba-iba talaga hitsura ko no'n. Para akong galing sa Mars no'n, charot! Ngayon nasa Earth na 'ko... siyempre, nag-eevolve 'yan eh," okray pa ni Lani sa sarili.
Pero sundot naman ni Gary, "It doesn't matter, the point is, you came out of stage today, your heart is still the same, your passion is still the same, your love for the fans and love for us, and our love for you, that has never changed!"
Sumang-ayon naman dito ang kapwa OPM singers at icons.
Matatandaang open sa publiko si Lani na talaga namang sumailalim siya sa "nose job."
Anyway sa mahabang panahon ay associated sa Kapuso Network si Lani dahil sa pagiging hurado ng singing competition na "The Clash."
Pero kamakailan lamang ay napabalitang isa siya sa mga magiging dagdag na hurado sa "Tawag ng Tanghalan (TNT)-All-Star Grand Resbak," kasama si Concert Queen Pops Fernandez.