March 10, 2025

Home SHOWBIZ

KILALANIN: Kapuso at Kapamilya housemates sa Bahay ni Kuya

KILALANIN: Kapuso at Kapamilya housemates sa Bahay ni Kuya
Photo Courtesy: GMA Network (FB)

Opisyal nang ipinakilala ang Kapuso at Kapamilya housemates sa makasaysayang collaboration ng GMA Network at ABS-CBN na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Sa premiere ng nasabing reality show nitong Linggo, Marso 9, isa-isang pinangalanan ang housemates na makakapasok sa Bahay Ni Kuya na mula sa dalawang higanteng TV network sa bansa.

Narito ang listahan ng Kapuso housemates:

1. Ang Independent Tis-Ice Princess ng San Juan, Ashley Ortega!

Tsika at Intriga

Barbie, ibinida pics nila ni FL Liza: 'Thank you Madam for inviting me!'

2. Ang Miss Sunuring Daughter ng Cebu, AZ Martinez

3. Ang Mama's Dreambae ng Cavite, Will Ashley

4. Ang Survivor Lad ng United Kingdom, Josh Ford

5. Ang Bubbly Bread Teener ng Cagayan De Oro, Charlie Fleming

6. Ang Chinito Boss-sikap ng Quezon City, Dustin Yu

7. Ang Controversial Ca-babe-len ng Pampanga, Mika Salamanca!

Samantala, narito naman ang Kapamilya at Star Magic artists na makakasama nila:

1. Ang Dedicated Showstopper ng Canada, AC Bonifacio!

2. Ang Son-sational Viral Beshie ng Davao Del Sur, Esnyr

3. Ang Gentle-linong Heartthrob ng Tarlac, Brent Manalo

4. Ang Kwelang Soul Diva ng Antipolo, ⁠Klarisse De Guzman

5. Ang Hopeful Belle ng Cavite, Kira Ballinger!

6. Ang Sporty Business Bro ng Muntinlupa City, Rivar Joseph

7. Ang Duti-ful Judo-Son ng Cavite, Ralph De Leon!

Pero hindi rito natatapos ang pasabog ng bagong edisyon ng PBB. Dahil ang Phenomenal Content Queen ng Quezon City na si Ivana Alawi ang kauna-unahang Houseguest ngayong season!

Bukod kay Ivana, nasa loob din ng Bahay ni Kuya ang hosts na sina Gabbi Garcia, Alexa Ilacad, Mavy Legaspi, at Melai Cantiveros, na makalalabas lang kapag napagtagumpayan ang tasks.