March 10, 2025

Home BALITA Internasyonal

Babae sa India, natagpuang patay matapos pumanaw ang alagang pusa

Babae sa India, natagpuang patay matapos pumanaw ang alagang pusa
Photo courtesy: Pexels

Isang babae sa India ang natagpuang patay malapit sa mga labi ng kaniyang pusa, ilang araw matapos ang pagpanaw ng kaniyang alaga. 

Ayon sa ulat ng ilang international media outlet, tinatayang tatlong araw daw patay ang alagang pusa ng babae at iginiit niyang hindi muna ito ilibing.

Umaasa umano ang babae na muli raw mabubuhay ang alaga niya, kung kaya't pinili niyang hindi ito ilibing. 

Napag-alamang nakaranas umano ng depresyon ang babae matapos silang maghiwalay ng kaniyang mister at mamatayan ng mahal sa buhay. Ayon sa mga kaanak ng babae, labis din umano ang ikinalungkot niya nang pumanaw ang alagang ampong pusa. 

Internasyonal

'Walang forever?' Mag-asawang may hawak ng 'world's longest kiss,' hiwalay na!

Ayon sa mga awtoridad, natagpuan nilang nakabigti ang katawan ng babae na siyang nagbunsod umano ng kaniyang pagkamatay.